Nagbebenta ng galunggong ang isang talipapa vendor sa Barangay Tandang Sora, Quezon City noong 2018. ABS-CBN News/File
MAYNILA — Nagmahal ng P20 hanggang P40 kada kilo ang imported at local na galunggong sa mga mga pamilihan sa Metro Manila.
Dahil dito, hanggang P220 kada kilo na ang imported galunggong habang umaabot na ng P260 kada kilo ang mga local.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, closed fishing season kasi ngayon at madami ring mga imported galunggong na nasa cold storage pa.
Aniya, minamadali na niya ang paglabas ng mga ito para madala na sa mga pamilihan.
Umaaray naman ang mga mamimili sa taas ng presyo pero anila, wala na rin naman silang magawa sa pagtaas ng presyo kaya titiisin na lamang ito.
—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.