PatrolPH

HPG personnel nanita ng pasahero kahit may vaccination card: QC LGU

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2022 10:06 PM

MAYNILA — Isang babaeng pasahero ng EDSA carousel bus ang sinita ng mga pulis kahit mayroon siyang vaccination card.

Ayon sa Quezon City government nitong Martes, pinagsabihan ng mga pulis ang babae kahit mayroong siyang vaccination card na inisyu ng lungsod.

Iklinaro na mga tauhan ng Highway Patrol Group at hindi ng LGU ang nagkamaling manita sa pasahero.

"Umaapela kami sa lahat ng aming kapwa lingkod-bayan na maging mas maingat at makatao sa pagpapatupad ng mga polisiya, patakaran at batas," saad ng city government.

Inimplementa kailan lang ng gobyerno ang polisiya na bawal sumakay sa pampublikong transportasyon ang mga taong walang vaccination card o mga hindi pa nabakunahan.

Ayon sa Quezon City LGU, magiging maunawain sila sa mga nakakuha pa lang ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine o ang mga may medical condition kaya hindi makapagbakuna.

"Kami rin ay nagbabakuna sa mga pasaherong gustong magpabakuna. Sa ngayon, nagbibigay pa lamang ng babala o 'warning' ang ating law enforcement cluster. Para naman sa mga gustong magpabakuna, sila ay inihahatid ng ating QBus papunta sa vaccination site," anito.

"Magiging epektbo ang ating ordinansa patungkol sa limitadong galaw ng mga hindi bakunado sa Enero 21."

Nag-alok ng P2,000 na insentibo ang city government mula Enero 8-31 para sa mga nais magpabakuna.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.