PatrolPH

Barangay chairman sa Guagua, Pampanga patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2022 12:53 AM

Nabulabog ang mga residente at tindero sa palengke nang marinig ang mga putok ng baril sa gasolinahan sa Barangay Sto Niño, bayan ng Guagua, Pampanga 9:10 p.m., Lunes.

Tumambad ang duguang katawan ng lalaki na wala nang buhay habang mabilis na lumakad paalis ang hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ng Guagua Police ang biktima na Barangay Sto Niño chairman Ranier Asban, 45.

Lumalabas sa initial investigation na bago ang insidente, nakatayo ang biktima sa ECHO Gas station sa nasabing barangay at gumagamit ng cellphone nang pagbabarilin ng naglalakad na suspek at saka tumakas patungong Feeder Road, Barangay Sto. Cristo sa parehong bayan.

Agad na nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya at ipina-flash alarm para sa posibleng pagdakip sa suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, short pants at surgical facemask. 

Kinondena ni Guagua Mayor Dante Torres ang nangyaring pagpatay at nakikipagtulungan na sa pulisya para sa mabilis na pagresolba sa kaso. — Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.