PatrolPH

Sanggol, patay matapos matuklaw ng cobra sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2021 01:51 PM | Updated as of Jan 18 2021 02:18 PM

Patay ang isang 7 buwang gulang na sanggol matapos matuklaw ng cobra sa bahay niya sa bayan ng San Isidro, Davao del Norte.

Ayon sa kamag-anak, saglit na iniwan ng ina noong tanghali ng Huwebes ang sanggol sa may terrace ng bahay para kumuha ng kanin.

Bigla umanong humagulgol ang bata at wala pang 5 minuto ay nangitim na ito.

Noong una'y inakala ng ina ng aso ang kumagat sa bata pero natuklasan ang isang cobra nang sirain ang sahig sa may higaan ng bata.

"Lumabas ang cobra mula sa flooring at tila nagalit habang nakatingin sa mga tao," anang kaanak.

Pinatay na ang ahas upang hindi na maging peligroso sa komunidad.

Nailibing noong Sabado ang sanggol, na magwa-8 buwan sana ngayong Lunes.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.