Pinagbibintangang gumahasa sa 8 anyos timbog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2021 04:04 PM

MAYNILA – Timbog ang isang lalaking wanted sa umano'y panggagahasa sa 8 anyos na bata noong nakaraang taon.

Kinilala ang pinagbibintangan na si alyas "Val," na natunton sa isang barangay sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental. 

Inilunsad ang operasyon ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit.

Ayon sa mga awtoridad, ilang buwang nagtago ang suspek matapos masampahan ng two counts of rape dahil sa panghahalay umano sa isang 8 anyos noong Hulyo 2020.

Si Val din ang top 10 most wanted person sa bayan ng Hinigaran.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Hinigaran Municipal Police Station.

–Mula sa ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.