Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa Quezon City, kung saan nakumpiska umano ang P2.8 milyong halaga ng marijuana sa isang mixed martial arts coach. Retrato mula sa Northern Police District Drug Enforcement Unit
MAYNILA — Aabot sa P2.8 milyong halaga ng high-grade marjiuana ang nasamsam sa buy-bust operation sa Quezon City, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.
Inaresto sa parking lot ng isang grocery sa Cubao ang 38 anyos na suspek, na isang mixed martial arts coach.
Binentahan umano ng suspek ng marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer.
Nag-ugat umano ang operasyon sa sumbong ng 2 lalaking unang naaresto matapos makuhanan ng higit P270,000 halaga ng high-grade marijuana.
Ayon kay Capt. Ramon Acquiatan, Jr., hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, gumagamit ng marijuana ang mga suspek para ma-relax kahit bugbog na sa practice.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang inarestong coach.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, war on drugs, metro, metro crime, Quezon City, marijuana, kush, high-grade marijuana, buy-bust operation, krimen, mixed martial arts coach