PatrolPH

2 kawani ng DPWH nakaligtas sa pananambang sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2021 10:53 AM

ILOILO - Nakaligtas sa pananambang Lunes ng umaga ang 2 kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo.

Papasok na sa opisina sina engineer Eva Bedonia, chief ng quality assurance ng DPWH-Iloilo 4th District Engineering Office, at drayber na si Rogelio Serilo Jr. nang biglang pagbabarilin ang kanilang pick-up ng 2 tao na sakay ng motorsiklo.

May 5 tama ng bala ang sasakyan sa passenger side kung saan nakaupo si Bedonia.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Barbara Police Station, posibleng si Bedonia ang target ng pananambang habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente. - Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.