MAYNILA - Kasabay ng pagsabog ng Bulkang Taal, naging usapin din ang mga naiwang alagang hayop sa kasagsagan ng paglikas.
Bagama’t tingin ng ilan ay dapat parusahan ang mga residenteng nag-iwan ng kanilang hayop, tingin ng isang abogado ay hindi dapat sisihin ang mga ito.
Paliwanag ng abogadong si Claire Castro, hindi naman ginusto ng mga residente na iwan ang mga hayop lalo na't buhay rin nila ang nakasalalay sa paglikas.
“Hindi naman po natin masisisi ang ating kababayan sa nangyari. We cannot consider that as cruelty or maltreatment,” paliwanag ni Castro sa programang “Usapang de Campanilla.”
“Kaya nga po nila binabalikan ngayon kasi nakikita naman nila 'yung sitwasyon,” dagdag niya.
Narito ang nakasaad sa Section 7 ng Republic Act (RA) 10631 o The Animal Welfare Act of 1998:
“If any person being the owner or having charge or control of any animal shall without reasonable cause or excuse abandon it, whether permanently or not, without providing for the care of that animal, such act shall constitute maltreatment.”
Multa at pagkakakulong ang maaaring ikaharap ng sino mang lalabag sa RA 10631.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Usapang de Campanilla, laws, DZMM, Republic Act 10631, animal welfare, Taal Eruption, The Animal Welfare Act of 1998, Batas Kaalaman