1 patay, 1 sugatan sa pagsalpok ng motorsiklo sa poste

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 10:09 AM | Updated as of Jan 18 2020 06:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang rider at sugatan ang angkas nito matapos mabangga ang kanilang motorsiklo sa isang poste sa Pasay City, Sabado ng madaling araw.
 
Pasado hatinggabi nang biglang dumaan ang motorsiklo at sumalpok sa isang poste sa Leveriza Street.

Ayon kay barangay kagawad Loisa Peralta, dalawang beses dumaan sa kalsada ang motorsiklo bago naganap ang aksidente.

“Bumalik sila nagmamadali sila, mabilis na mabilis tapos sa humps, sumalok sa poste,” sabi niya.

Dead on the spot ang driver at sugatan ang angkas nito.

Hinala ng barangay na humarurot ang motorsiklo dahil walang suot na helmet ang hindi pa nakikilalang mga sakay nito. Wala rin papeles ang motorsiklo.

Tinitingnan na sanhi ng pagbangga nila sa poste ay ang humps na hindi masyado kita sa gabi.

Ito na ang pangalawang beses na may naaksidente sa lugar.

“Much better pinturahan para at least kita sa madilim,” dagdag ni Peralta.

Paalala ng barangay sa mga motorista na laging mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa residential area na posibleng may mga humps sa daan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.