Lalaki patay sa pamamaril sa Agusan del Norte

Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2019 02:56 PM

Hindi pa mabatid ng awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang pumatay sa biktima. Larawan mula kay Sunshine Garcia

BUENAVISTA, Agusan del Norte – Wala nang buhay at nakaupo pa sa driver’s seat ng minamanehong multicab ang isang 25 anyos na lalaki nang madiskubre sa Purok 2, Barangay 7, Martes ng umaga.

Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng isang putok pasado alas-11 ng gabi pero hindi niya ito pinansin sa pagaakalang kaugnay ito sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Nagulat na lang sila nang makita ang katawan ni Jovanie Mariquit, isang chief mechanic, bago mag alas-7 ng umaga ng Martes. 

May tama ito ng bala sa noo na dumiretso sa likod ng ulo nito.

Isang basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa 9mm pistol ang narekober sa loob ng sasakyan.

Wala pang lead ang awtoridad sa motibo at kung sino ang responsable sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.