ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila, Enero 18-21

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2019 06:38 PM | Updated as of Jan 18 2019 06:56 PM

Magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula gabi ng Biyernes, Enero 18, ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Enero 21, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:

  • C-5 Road bago ang approach ng Pasig Blvd., C-5 flyover
  • C-5 Road sa harap ng SM Aura
  • EDSA pagkatapos ng Lagarian Creek hanggang Ernie Garcia (katabi ng MRT)

NORTHBOUND:

  • EDSA pagkatapos ng Oliveros St. (Ikalawang lane mula sa sidewalk)
  • MacArthur Highway Caloocan City (southbound) corner Calle Cuatro Mindanao Avenue, Valenzuela City (northbound) mula P. Dela Cruz hanggang NLEX
  • Batasan Road before Payatas Road (Unang lane)

Magkakaroon din ng restoration o concreting works ang Maynilad at Globe Telecoms sa Mindanao Ave. southbound mula Socorro St. hanggang Mindanao Ave. (unang lane mula sa sidewalk) at Quezon City sa may Commonwealth Ave. cor. Soliven St., Litex at Riverside, Brgy. Commonwealth. 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.