TINGNAN: Aerial shot ng Bulkang Mayon

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2018 12:24 PM

Kasalukuyang nasa alert level 3 ang Bulkang Mayon dahil nananatili ang banta nitong mapanganib na pagputok.

Sa inilabas na mga larawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), makikita ang bahagyang paglabas ng lava sa bunganga ng bulkan.

Libo-libong mga residente sa paligid ng Mayon ang napilitang mamalagi muna sa evacuation centers o sa mga kaanak malayo sa nag-aalburutong bulkan.

Nagdeklara na ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Albay at nananawagan sila ng tulong dahil hindi pa tiyak kung kailan makababalik ang mga apektadong residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.