Susog sa freedom of speech, ‘nanggaling sa komiteng hawak ng pangulo’

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2018 11:11 PM | Updated as of Jan 18 2018 11:33 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isinusulong sa isang komite ng Kamara na magkaroon ng susog ang "Bill of Rights" na nagtitiyak na di magpapasa ang estado ng anumang batas na kikitil sa malayang pamamahayag.

Ayon sa panukalang nakahain sa House committee on constitutional amendments, dapat sakop lang nito ang "responsableng" pamamahayag.

Saad ng binagong probisyon: 

Section 4. No law shall be passed abridging the responsible exercise of the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Pero sino ang magdedesisyon kung ano'ng ulat ang responsable at ano ang hindi?

"The danger with inserting the word 'responsible' is that you're giving the state the power to define responsbility," ani Atty. Florin Hilbay na dating solicitor general.

Sa panayam ng ANC "Early Edition," sumang-ayon si House Deputy Speaker Fredenil Castro sa punto ni Hilbay, kahit pa nauna nang ipinagtanggol ni Castro ang panukala.

"If you are going to place it there, it simply becomes more blatant that the state will have to rely on this in trying to curtail the exercise, free exercise," ani Castro.

Pero nilinaw ni Castro na di ito pakana ng kaniyang sub-committee.

"Actually it did not come from the subcommittee
It came from an extrinsic source... Presidential Committee on Human Rights Secretariat," aniya.

Nasa ilalim ng opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Human Rights Committee Secretariat.

Nakausap ng ABS-CBN News ang isang opisyal mula rito.

Inamin niyang galing nga sa kanila ang panukala.

Importante raw kasing linawin na may kaakibat na responsibilidad ang bawat karapatan.

Pero di raw ibig sabihin nito, planong kitilin ng gobyerno ang malayang pamamahayag.

Sa isang text message, agad namang dumistansya si Presidential Spokesman Harry Roque at iginiit na walang kinalaman si Duterte sa panukala.

Saad ng mensahe ni Roque: "They can't bind the President."

-- Ulat ni Christian Esguerra, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.