Magkapatid nalunod sa Palo, Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2018 07:23 PM

Nagluluksa ang isang pamilya sa Barangay Tacuranga sa bayan ng Palo, Leyte matapos malunod ang dalawang batang kaanak nitong Miyerkoles.

Ayon sa ina ng mga biktima, nasa bahay lang ang kaniyang mga anak na 7 anyos at 13 anyos habang siya ay nasa trabaho. 

Ipinagbilin nito sa mga anak na huwag aalis ng bahay ngunit nalaman na lamang niya na nalunod na ang mga ito.

Ayon kay Barangay Chairman Ermalyn Petilla, naligo sa Tacuranga River ang isa sa mga bata. Hindi niya alam na mataas pala ang tubig.

Sinubukan umano siyang sagipin ng kapatid ngunit nalunod rin ito.

Umaga nitong Huwebes nang matagpuan ang bangkay ng magkapatid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.