Klase sa bayan ng Palo,Leyte suspendido pa rin

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2017 04:13 PM

Suspendido pa rin ang klase sa bayan ng Palo, Leyte dahil lubog pa rin sa tubig baha ang ilang paaralan dahil sa pag-uulan.

Isa sa mga binahang paaralan ang Guindapunan Elementary School kung saan papasok pa lang sa paaralan ay abot tuhod pa ang tubig.

Ang mga silid aralan naman ay pinasok din ng tubig baha.

Simula pa noong nakaraang Lunes ay hindi na nag-klase ang mga guro sa nasabing paaralan dahil sa pagbaha.