Napanalunan ng isang residente sa Leyte ang higit P142 milyong jackpot ng Superlotto 6/49 draw nitong Linggo.
Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes na mula sa bayan ng Abuyog ang nanalo ng P142,679,606.40.
Ayon sa PCSO, siya lang ang nanalo nang naturang premyo.
Ang number winning combination ay 02-05-04-31-01-46.
— Ulat ni Ranulfo Docdocan
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.