P1.7M halaga ng iligal na droga, nasabat sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2022 06:42 AM

Watch more News on iWantTFC

Nasabat ang humigit kumulang 250 grams ng hinihinalang shabu sa 3 drug suspects sa Mabalacat City, Pampanga noong Biyernes.

Kalaboso ang tatlong itinuturong tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sta. Maria, Mabalacat City, Pampanga noong January 14.

Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Cortez, Rosa Linda Dion at Alvin Cortez; pawang mga residente sa isang pribadong Subdivision sa Mabalacat City.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong medium size plastic na naglalaman ng humigit kumulang 250 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 1.7 milyong piso, isang cellphone, bank passbook, kulay pulang Toyota Vios at mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nadakip na suspek.


ABS-CBN News, January 17, 2022