Warehouse sa Pasig, natupok ng apoy

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 10:18 PM | Updated as of Jan 18 2021 12:19 AM

MANILA - Isang malaking sunog ang tumupok sa isang warehouse ng kemikal sa F.Mariano Street, Brgy. Dela Paz sa Pasig City bandang alas siete ng gabi ng Linggo, pero idineklara na rin itong kontrolado bandang 8:46 p.m. ayon sa Bureau of Fire Protection. 

Mabilis umanong kumalat ang apoy at itinaas ang alarma dahil pawang flammable chemicals ang nakaimbak sa warehouse kabilang ang mga pintura at thinner.

Inaalam pa ang pinagsimulan at alaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Wala pa namang naiuulat na nasaktan sa insidente.

- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News