PatrolPH

P421-K halaga ng shabu nakuha sa Pampanga drug bust; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 12:49 PM

P421-K halaga ng shabu nakuha sa Pampanga drug bust; 2 arestado 1
Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga noong Enero 16, 2021, kung saan nakuha ang higit P400,000 halaga ng shabu. Retrato mula sa Pampanga Provincial Police Office

Aabot sa P421,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa 2 suspek na nahuli sa buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga gabi ng Sabado.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek bilang sina alyas "Pogi" at alyas "Kalbo," isang menor de edad. Parehong residente ng Barangay Bulaon ng lungsod ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 13 sachet ng shabu na may bigat na 62 gramo, ayon sa pulisya. 

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.