Bahagi ng DepEd office sa Cotabato City nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 01:37 PM

Nasunog ang bahagi ng gusali ng Department of Education division office sa Cotabato City noong Enero 16, 2021. Retrato mula kay Alexandrea Goopio

Nasunog ang bahagi ng gusali ng division office ng Department of Education sa Cotabato City gabi ng Sabado, dahilan para matupok ang maraming dokumento.

Bandang alas-8:45 ng gabi nang maiulat sa mga awtoridad ang sunog, na mabilis nirespondehan hanggang sa ma-deklarang fire out alas-9:15 ng gabi, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Bago sumiklab ang apoy, may narinig umanong malakas na pagsabog ang security guard na nagbabantay sa gusali.

Electrical short circuit ang dahilan ng sunog, base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP.

Hindi bababa sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.