PatrolPH

Babaeng wanted sa pambubugaw arestado sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 12:44 PM

Naaresto sa Roxas City, Capiz ang isang babaeng wanted dahil sa umano'y pambubugaw sa mga menor de edad, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Kinilala ang suspek bilang si Joan Granzo, na nahuli noong hapon ng Biyernes dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Sangkot umano si Granzo sa serye ng pambubugaw sa Aklan.

Noong Hunyo 2018, 5 menor de edad ang dinala ni Granzo sa isang motel sa Kalibo para ibugaw sa kaniyang mga parokyano, sabi ng mga awtoridad.

Dinala si Granzo sa police station sa bayan ng Numancia para sa booking procedure bago ibalik sa Aklan para doon panagutan ang pagkakasala sa batas.

-- Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.