3 sundalo patay sa pananambang sa Lanao del Norte

Roxanne Arevalo

Posted at Jan 17 2021 12:01 AM

Photo by Roxanne Arevalo

LANAO DEL NORTE—Tatlong sundalo at isang sibilyan ang napatay sa pananambang sa bayan ng Poona Piagapo sa lalawigang ito Huwebes.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktimang sina Corporal Albert Saura, Corporal Bryan Binayog at Private First Class Albert Soriano.

Patay rin sa naturang ambush si Camilo Andog.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang teroristang grupong Dawlah Islamiyah sa insidente.

Ayon kay Police Major Salman Saad, may nakapagturo kung saan tumakas ang mga suspek.

Hindi rin isinasantabi ang anggulong away-pamilya o rido, dahil maaaring ang kasamang sibilyan ang target ng ambush.

Iniuwi na sa kanilang mga probinsiya ang labi ng 3 sundalo.

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.