3 miyembro ng militar patay sa pananambang sa Legazpi City

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2021 12:49 PM

Patay ang ilang miyembro ng militar matapos tambangan sa Barangay Banquerohan, Legazpi City nitong Enero 17, 2021. Photo Courtesy: Aksyon Ko Online TV

Patay ang 3 miyembro ng militar matapos umanong tambangan ng mga hinihinalang rebelde sa Legazpi City nitong umaga ng Linggo.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng 2 motorsiklo ang 4 na miyembro ng militar nang paulanan ng bala ng mga salarin sa may Barangay Banquerohan.

Nakaligtas ang isa sa kanila.

Papunta sana umanong Banquerohan Public Market ang mga biktima para mamalengke.

Nakatalaga ang 4 sa community support program ng militar sa Barangay Bariis at Banquerohan.

Nagdulot ang insidente ng takot sa mga residente.

-- Ulat ni Jose Carretero

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.