Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2020 04:27 AM | Updated as of Jan 31 2020 08:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng 8 hindi pa nakikilalang salarin Huwebes ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni Police Staff Sgt. John Paul Rojo ng Manila Police District Homicide division ang biktima na si Ireneo Ramos, na nasa drugs watchlist ng barangay.

Ayon kay Rojo, nagbibiskleta ang biktima sa may Firmeza St. nang biglang dumating ang mga salarin na nakasakay sa 4 na motorsiklo. 

Pinagbabaril nila ang biktima bago kumaripas sa direksyon ng Algecrias St.

Droga ang isa sa tinitingnan motibo sa krimen.

Nakalap sa pinagyarihan ng krimen ang mga basyo mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.