Karpintero arestado sa pagpatay sa kapwa karpintero

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2020 05:57 AM

MAKATI - Arestado ang isang 40 anyos na karpintero matapos nitong umaming pinatay niya ang kapwa karpintero Huwebes ng gabi sa lungsod ng Makati.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan nitong Enero 2 ang naagnas na bangkay ng 60 anyos na karpinterong si Ernesto Aliwanay sa basement 1 ng Ayala building sa EDSA corner Ayala Avenue, Barangay San Lorenzo. 

Inanyayahan sa presinto ang suspek para sa ginagawang imbestigasyon. Habang isinasailalim sa interrogation ang suspek, umamin ito na siya ang pumalo sa ulo ng biktima gamit ang isang martilyo dahilan ng pagkamatay nito.
 
Lumalabas din sa imbestigasyon na utang ang dahilan kaya nagawa ng suspek ang krimen. 

Nakakulong na sa detention facility ng Makati City Police Station ang suspek at hinahanda na ang kaso laban sa kanya. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.