'Tulak' ng droga arestado sa Navotas buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 02:49 PM

Naaresto sa buy-bust operation nitong madaling araw ng Huwebes ang lalaking itinuturong tulak ng ilegal na droga sa Navotas Fish Port, sabi ng pulisya.

Nakuha sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril, ayon kay Senior Superintendent Ram Haveria, hepe ng Navotas police.

Kasamang naaresto ng suspek ang kaniyang kinakasama na naroon sa kaniyang bahay nang ikasa ang operasyon.

Ayon sa suspek, mga trabahador sa fish port ang binebentahan niya ng drogang kinukuha umano niya sa Quiapo, Maynila.

Ang baril namang nakuha sa kaniya ay isinanla umano sa kaniya.

Nahaharap ang dalawa sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, illegal possession of firearms at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.

Noong Miyerkoles, nahuli sa tatlong drug den sa Navotas Fish Port din ang 28 tao kabilang ang 12 menor de edad.-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.