Tone-toneladang bakal, nahulog mula sa trak sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 05:22 AM | Updated as of Jan 17 2019 07:48 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Nahulog mula sa isang 18-wheeler ang tone-toneladang bakal sa Pasay City Huwebes ng madaling-araw.

Isinara pansamantala ang southbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard dahil sa insidente.

Nangyari ang insidente pasado alas-2 ng madaling-araw nang lumiko ang trak. Natanggal ang strap na humahawak sa nasa 39 toneladang solid bar.

Galing Pampanga ang trak kung saan kinuha ang mga bakal at papunta ito ng Trece Martires, Cavite.

Naararo pa ng trak ang isang pedicab at motorsiklo na dinaanan ng mga bakal.

Ayon kay Mark Manalo, pahinante ng trak, sinuri nila ang sasakyan bago umalis. Matibay rin umano ang ginamit nilang strap na siya ring ginagamit nila araw-araw. — Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.