Presong pumuga, patay sa manhunt operation sa Zamboanga del Norte

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 08:28 PM

Patay ang isang 32 anyos na presong pumuga mula sa Zamboanga del Norte Provincial Jail sa ikinasang manhunt operation nitong Miyerkoles. 

Ayon kay Chief Insp. Nestor Gania, hepe ng Katipunan Municipal Police, nanlaban ang suspek nang makita niyang napapaligiran na ang bahay ng kaniyang biyenan sa Barangay Dabiak kung saan ito nagtatago. 

“Pinakiusapan namin siyang mag-surrender, pumasok siya sa loob ng bahay at nakita namin na may bitbit na siyang granada paglabas at naka-akma nang tanggalin ang pin,” ani Gania.

Pumuga ang suspek noong Enero 7 sa provincial jail kung saan limang taon itong nakulong dahil sa kasong murder.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.