PANOORIN: Karambola ng 8 sasakyan sa Taguig

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 11:51 AM

 

MAYNILA – Isa ang inisyal na nasugatan sa karambolang kinasangkutan ng walong sasakyan sa southbound lande ng C5 kanto ng McKinley Road sa Taguig City, Huwebes ng umaga.

Kasama sa karambola ang isang 22-wheeler truck, tatlong kotse, at tig-isang pick-up, van, motorsiklo at bus.

Ilan sa mga sasakyan ang nagpatung-patong dahil sa aksidente.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago, hinihinalang nawalan ng preno ang truck.

Naitabi na sa bangketa ang mga sasakyan pero nagdudulot na ito ng matinding pagbagal sa daloy ng trapiko mula southbound ng C5 hanggang Ortigas Flyover. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.