P240,000 halaga ng droga nasamsam sa Bacolod

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 08:13 PM

Nasamsam ang 32 sachet ng ilegal na droga at 2 armas sa mga suspek sa Bacolod City, Huwebes ng madaling araw. Larawan mula sa Bacolod City Police Station 2

BACOLOD CITY - Nasamsam ang P240,000 halaga ng hinihinalang droga mula sa dalawang lalaki sa Barangay 1 dito sa lungsod nitong Huwebes.

Nakuha ang 32 sachet ng droga sa target ng operasyon na isang 34 anyos na lalaki at kasama nitong 37 anyos na lalaki.

Ayon kay Senior Insp. Leo Estopa, commander ng Police Station 2, dati nang nabilanggo ang target ng operasyon dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga. Nakalabas siya ng bilangguan nong 2017.

Ang kasama nito ay sumuko na rin dati dahil sa droga ayon sa record ng pulisya.

Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin ng mga operatiba ang isang kalibre .38 revolver at kalibre .22 revolver mula sa mga suspek.

Haharap sila sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga at illegal possession of firearms alinsunod sa gun ban na ipinatupad na bago ang eleksyon sa Mayo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.