2 patay sa engkuwentro sa Batangas

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 09:20 AM | Updated as of Jan 17 2019 09:47 PM

Watch more in iWantTFC

Patay ang lider ng isang criminal group at miyembro nito matapos makaengkuwentro ng awtoridad sa Barangay Sta. Clara sa Batangas City, Huwebes ng umaga.

Dead on arrival sa pagamutan si Irasty Carinan, umano’y lider ng Recca Criminal Group, at kasama niyang si Erwin Bulandan nang makasagupa ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas, Provincial Intelligence Branch at Batangas City Police.

Nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa loose firearms nang matiyempuhan ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Sa halip umanong huminto, sumibat agad ang mga suspek habang nakikipagbarilan sa mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang 2 baril.

Ayon kay Batangas Police Director, Senior Superintendent Edwin Quilates, ang Recca Criminal Group ay kumikilos sa Batangas City at responsable sa gun-for-hire activities.

Ang grupo umano ang kinukuha ng mga big-time drug personalities sa New Bilibid Prison para itumba ang kalaban na grupo at ang mga hindi nakaka-remit ng pinagbentahan sa illegal drugs.

Sila din umano ang nasa likod ng pagpatay sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon laban sa kanilang grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.