Ilang barangay sa QC, mawawalan ng tubig simula Miyerkoles

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2018 01:38 AM | Updated as of Jul 05 2019 04:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinatayang 23,000 kabahayan sa Quezon City ang mawawalan ng tubig simula Miyerkoles, Enero 17.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-4 ng umaga sa Huwebes, Enero 18 sa mga sumusunod na barangay:

- Bahagi ng Old Balara
- Bahagi ng Pasong Tamo
- Bahagi ng Culiat
- Bahagi ng Sauyo
- Bahagi ng Holy Spirit

Magsasagawa kasi ng valve maintenance works ang Manila Water sa Commonwealth Avenue.

Pinapayuhan ang mga residente ng mga naturang lugar na mag-ipon ng tubig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.