Barko, tumagilid habang naglalayag patungong Basilan

Dennis Datu, DZMM

Posted at Jan 17 2017 01:28 PM

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 tripulante ng isang cargo vessel na tumagilid habang naglalayag malapit sa Sta. Cruz Island sa Zamboanga City.

Ayon sa PCG, tumagilid ng 20 degrees ang barko na may lulan na 12,500 sako ng semento.

Patungo sana sa Sumisip, Basilan ang cargo vessel nang tumagilid matapos hampasin ng malalaking alon.

Tinulungan na ng PCG ang barko na makadaong sa pinakamalapit na pier sa Zamboanga City.