Abo ng kinidnap na Koreano, natagpuan sa punerarya sa Caloocan

Jon Ibañez, DZMM

Posted at Jan 17 2017 11:02 PM

MANILA - Wala nang inabot na bangkay ng dinukot na Koreano ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtungo sa isang punenarya sa Bagbagin, Caloocan City.

Ito ang kinumpirma ni NBI Assistant Regional Director Roel Bolivar, na siya ring hepe ng Task Force Against Illegal Drugs ng NBI.

Ayon kay Bolivar, abo na lamang ng biktimang si Ji Ick Joo ang inabot nila sa punerarya.

Dagdag pa niya, hawak na nila ang hindi muna pinangalanang embalsamador na itinuturong nag-embalsamo sa biktima isang araw matapos itong dukutin.

Oktubre 19, 2016, o isang araw matapos dukutin si Ji nang ipa-cremate ito ng itinuturong boss ng mga dumukot sa biktima, ayon sa NBI.

Sinasabing nataranta ang grupo nang malamang sumuko na si SPO3 Ricky Sta. Isabel kaya iniutos na ipatapon rin ang abo ni Jee.

Lunes nang sumuko si Sta. Isabel sa NBI.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.