MYANMAR – Kabilang ang isang buntis sa anim (6) na distressed Filipinos sa na-repatriate mula Myanmar nitong January 11, 2022. Ito ang kauna-unahang relief flight mula Myanmar ngayong 2022 at ika-24 biyaheng pinangunahan ng Embahada mula nang tumama ang pandemya.
Filipino repatriates mula Myanmar
Patuloy ang programang repatriation ng Embahada at sa mga Pilipino sa Myanmar na interesado sa evacuation flight, maaaring sagutan ang online survey para sa biyaheng Yangon papuntang Manila at maaari namang mag-email sa yangonpe.atn@gmail.com ang mga mangangailangan ng dagliang repatriation assistance.
Filipino repatriates mula Myanmar
Samantala, naitala ang 124 bagong kaso ng COVID-19 cases sa Myanmar mula January 7 hanggang January 9, 2022. Pumalo na sa 10,685 ang active cases sa rehiyon as of January 8, 2022.
Pinaaalalahanan ng Embahada ang lahat ng Pilipino sa Myanmar ang pagsasagawa ng COVID-19 protocols tulad ng physical distancing, regular na paghuhugas ng mga kamay, pagsusuot ng face masks at manatili sa mga tahanan kung hindi naman kinakailangang lumabas.
Sources: PH Embassy in Myanmar (Yangon) | Department of Foreign Affairs