Sunog sumiklab sa residential area sa Oton, Iloilo

Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2021 02:15 PM

Limang bahay ang naapektuhan sa sunog na naganap sa Barangay Lambuyao sa Oton, Iloilo. Tatlo sa mga ito ang naabo habang ang dalawang iba pa ay nagtamo ng partial damage. Larawan mula sa Bureau of Fire Protection Oton


OTON, Iloilo - Sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Barangay Lambuyao sa naturang bayan, Biyernes ng hapon.

Tatlong bahay ang tuluyang natupok ng apoy habang dalawa ang partially damaged. Wala pang naiulat na sugatan. 

Ayon kay Fire Insp. Roberto Tamao Jr., nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Irene Armada.

Electrical in nature ang tinitingnang dahilan ng sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad para mabatid ang tunay na dahilan at ang halaga ng danyos sa mga ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.