#WalangPasok: Biyernes, Enero 17, 2020 dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 07:25 PM

MAYNILA - Kanselado ang pasok sa mga lugar na ito sa Biyernes, Enero 17, kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Kabilang sa mga lugar na nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase ang mga sumusunod:

LAHAT NG ANTAS:

CALABARZON

  • Batangas
    - Buong lalawigan
  • Cavite
    - Buong lalawigan
  • Laguna
    - Calamba City

Wala ring pasok sa Malayan Colleges Laguna hanggang Sabado, Enero 18. Ipagpapaliban rin ang entrance exam na nakatakdang ganapin sa Sabado.

Kasalukuyang nakataas ang alert Level 4 sa bulkan at libo-libong residente na ang lumikas.