Top 4 sa drug watchlist ng Caloocan, arestado; 2 iba pang kasamahan timbog din

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 07:53 AM

CALOOCAN - Arestado ang top 4 sa drug watchlist ng Northern Police District (NPD) matapos ang isang buy-bust operation Huwebes ng madaling araw sa Dagat-dagatan, Caloocan City. 

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. ng NPD, timbog din ang dalawa pang kasamahan ng suspek. 

Nakuha sa mga suspek ang 9 medium-sized sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 30 gramo na nagkakahalaga ng P200,000, 7 piraso ng ectasy capsule, at isang caliber 45 na baril na kargado ng mga bala. -Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.