Pulis at estudyante, patay matapos magsalpukan ang mga motorsiklo

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 04:59 AM

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police at isang estudyante matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo Miyerkoles ng gabi sa highway ng Barangay Maasin, Zamboanga City.

Ayon sa isang truck driver, nag-overtake sa kanya ang motorsiklong minamaneho ng pulis pero hindi nito napansin ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ng estudyante.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Nanawagan naman ang ilang residente ng Barangay Maasin sa mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan na ayusin na ang mga sira at pundidong streetlight sa kanilang daan.

Napapadalas na kasi umano ang mga aksidente sa kanilang lugar dahil sa madilim na daanan. Madilim din ang pakurbadang daan kung saan nangyari ang aksidente. -Ulat ni RJ Rosalado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.