P816,000 halaga ng 'shabu' nakuha sa buy-bust sa Dumaguete

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 05:03 AM

DUMAGUETE - Aabot sa P816,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa isang babae sa isinagawang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa Barangay Candau-ay, Dumaguete.

Nakuha sa suspek na si alyas "Madam" ang shabu na may bigat na 120 gramo at ilang drug paraphernalia.

Ayon sa Bais police, high-value target ang suspek dahil sa laki ng ilegal na droga na nakuha sa kanya.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuling suspek. -Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.