PatrolPH

P136-M halaga ng 'shabu' na inilagay sa teabags nasamsam sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 02:41 PM

P136-M halaga ng 'shabu' na inilagay sa teabags nasamsam sa Sorsogon 1
Narekober ng mga awtoridad sa Sorsogon ang 20 pirasong tea bag na may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalagang P136 milyon. Retrato mula kay Darrel Buena

Aabot sa P136 milyon halaga ng hinihinalang shabu na inilagay sa mga tea bag ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Matnog Port, Sorsogon ngayong umaga ng Huwebes.

Narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga teabag sa loob ng isang bagahe sa Matnog Port, na pag-aari ng mga naarestong sina Irish Dela Peña at Josh Racaza.

Ikinasa ang operasyon matapos makakuha ng intelligence information ang mga awtoridad ukol sa ibiniyaheng mga droga, ayon kay Christian Frivaldo, direktor ng PDEA sa Bicol region.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 2 suspek.

-- Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.