Lumobo na sa 12,370 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center sa Batangas at Cavite dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Taal pagpatak ng Huwebes, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kasunod ito ng ipinatupad na forced evacuation ng ilang lokal na pamahalaan na saklaw ng 14 kilometrong radius na danger zone sa bulkang Taal.
Sa inilabas na report ng NDRRMC, katumbas ng 53,832 indibidwal ang nasa 244 na mga evacuation center ngayon. Mas mataas kumpara sa 10,000 pamilya o 43,681 nitong Miyerkoles.
Nananatili sa ika-4 na lebel ang antas ng alerto kaugnay ng pag-aalboroto ng bulkang Taal. -Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.