Dayuhan natagpuang patay sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 03:03 PM

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang Nigerian sa nirerentahan nitong apartment sa Parañaque City, Huwebes ng umaga.

Kinilala itong si Emmanuel Jones, 25, na ilang araw na umanong hindi nakikita ng landlady kaya nagdesisyon itong pabuksan ang kwarto.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagkamatay nito. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

--Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.