2 babae, patay matapos sumalpok sa isang trailer truck sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 07:47 AM

MAYNILA - Patay ang 2 babaeng nakamotorsiklo matapos sumalpok sa isang 14-wheeler truck Huwebes ng madaling araw sa kanto ng Quiricada at Jose Abad Santos, Maynila. 

Kinilala ng mga kaanak ang mga namatay na sina AC dela Cruz at Joyce Suñer.

Ayon kay Edeng Espinosa, nakakita sa aksidente, binabaybay ng trailer truck ang Jose Abad Santos Avenue nang salpukin siya ng motorsiklo ng 2 babae.

Tumama sila sa gitnang bahagi ng truck at nagulungan. Wala ring suot na mga helmet ang mga rider. 

Ayon sa kaanak ng isa sa rider na si Daisy Dela Cruz, galing ng Quezon City ang anak na si AC at ihahatid lang sana ang girlfriend sa Tondo, Maynila nang mangyari ang aksidente.

Hawak na ng pulisya ang driver ng truck. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.