Lalaking tumakas sa checkpoint sa QC, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 04:53 AM | Updated as of Jan 16 2019 07:14 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki matapos tumakas sa isang checkpoint sa Road 20, Quezon City Martes ng gabi.

Nahuli ang 33 anyos na suspek matapos bumangga sa kasalubong na traysikel.

Nang kapkapan ng mga pulis, nakuha sa suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu.

Depensa ng suspek, natakot siya sa checkpoint dahil wala siyang dalang lisensiya. Itinanggi naman niya na sa kaniya ang droga.

Nagsimula nang magsagawa ng checkpoint ang mga awtoridad kaugnay sa election period na magtatagal hanggang Hunyo 12.

Mahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso, kabilang ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.