DOTR nagbabala laban sa pekeng LTO Facebook page

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 11:26 AM

MANILA - Nagbabala sa mga motorista ang Department of Transportation (DOTR) Miyerkoles tungkol sa isang pekeng Facebook page ng Land Transportation Office (LTO) na naniningil umano sa pamamagitan ng money transfer.

Batay sa imbestigasyon ng DOTR, ilan sa mga inaalok na serbisyo online ng naturang pekeng Facebook page na may 4,000 followers ay ang plate printing, registration, at pag-iisyu ng driver's license.

Nilinaw ng DOTr na hindi nakikipagtransaksyon ang LTO sa pamamagitan ng text messge at mga couriers.

Hindi rin anila tumatanggap ang LTO ng bayad sa pamamagitan ng SMART Padala.

Payo ng DOTr sa mga motorista, magtungo sa mga tanggapan ng LTO para sa mga transaksyon at i-report sa kanila ang anumang kaparehong modus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.