12 bata, 16 iba huli sa mga drug den sa Navotas Fish Port

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 03:33 PM | Updated as of Jan 17 2019 02:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Inaresto ang 28 indibidwal, kabilang ang 12 menor de edad, sa 3 drug den sa Navotas Fish Port ngayong Miyerkoles. 

Halos isang buwan na tiniktikan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang lugar matapos makatanggap ng sumbong ukol sa mga drug den. 

Nadiskubre ng mga operatiba na ginagamit sa pagtutulak ng droga roon ang ilang bata na bumabatak din ng bawal na gamot, ani PDEA Director General Aaron Aquino. 

Kabilang sa mga naaresto si alyas Negro na itinuturong drug supplier, gayundin ang 12 menor de edad na pawang mga estudyante. Nakatakda silang ibigay sa pangangalaga ng social workers. 

Giniba naman ng PDEA ang mga drug den kung saan nakuha ang 44 pakete ng hinihinalang shabu. 

Ulat nina Angel Movido at Raya Capulong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.