PANOORIN: 6 'kotong cops' huli sa akto sa Nueva Ecija

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2018 02:11 PM | Updated as of Jan 16 2018 05:20 PM

MAYNILA - Huli sa akto ang 6 na pulis habang nangongotong sa mga biyahero sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija, Martes ng madaling araw. 

Kinilala ang mga itong sina SPO1 Antonito Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin, at PO2 Romeo Nuñez III, pare-parehong mga pulis-Carranglan.

May dalawang sibilyan pang nahuli sa entrapment operation ng Counter Intelligence Task Force ng pulisya. Kinilala ang mga itong sina Ramon Cabilangan at Darwin Lagisma na umaaktong kolektor.

Nabawi sa 8 suspek ang mga pera na nasa ibat' ibang denominasyon. Binawi na rin sa mga nahuling pulis ang kani-kanilang service firearms.

Dadalhin sa Kampo Crame ang mga nangongotong na pulis para sampahan ng kaukulang reklamo at dokumentasyon.