Dust mask, malinis na tubig, tiniyak para sa mga inilikas dahil sa Mayon

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2018 02:31 PM

Umarangkada na ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagpapaabot ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Nasa 20 kahon ng dust mask ang ipinamahagi sa 1,800 indibiduwal mula sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

Nagpadala rin noong Lunes ng karagdagang 2,000 dust mask ang punong tanggapan ng PRC. 

Mayroon ding water tanker ang PRC para matiyak ang malinis na tubig sa mga evacuation center.

Nagtalaga rin sila ng mga tauhang magbabantay ng situwasyon sa mga evacuation center at iba pang apektadong lugar.

May mga first aid station at welfare desk naman na handang magbigay ng psychosocial support.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lokal sa PRC para matiyak ang maayos na pagtugon sa kalamidad.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.