8 bahay tupok sa sunog sa Cebu

Junrey Nadela, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2018 07:29 PM

CEBU CITY - Walong bahay ang tinupok ng apoy sa Duljo Fatima dito sa siyudad, Martes.

Ayon sa mga residente, nag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang Vidal Carillo. Agad itong kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa mga materyales na madaling lumiyab.

Patuloy pang inaalam ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng ari-arian na nasira dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.